Lokasyon: Manila
Petsa: June 24, 2008
Bakit kami napadpad doon: Galing kami sa Robinson's Place Midtown, nagdiet sa Jack's Loft para sa post birthday party ni Ron
Eto ang mga dapat ninyong malaman sa pulis serbisyo:
1. Madaming kalye sa Manila ang "one-way" only. Masuwerte ka ng makakita ng signs na one-way ito, kung meron man, it's either nakatagilid, nakatalikod, may takip, o basta yung tipong hindi mababasa / mapapansin ng mga baguhan pa lamang na dadaan sa kalyeng yun.
2. Sa gitna ng mga kalyeng one-way only ay may mga vultures na nag-aabang...este pulis pala. Sa gitna un ha. Hindi mo din agad sila mapapansin, kaya paparahin ka at patitigilin ng vulture..este pulis na nakasuot ng.....
3. .... jaket. Tama. Nakasuot ng jacket ang mga vultures...este pulis .. na magpapatigil syo. Bakit nga ba? Obviously, para hindi mo makita ang surname nila. Kahit pa gaano katindi ang init sa Manila, magsusuot at magsusuot sila ng jaket para mapangalagaan ang pamanang apelyido ng kanilang mga magulang, at para hindi mapahamak ang apelyidong dinadala ng kanilang mga mahal sa buhay. Yan ang tinatawag na VULTURE STYLE.
4. Kapag nilapitan ka nila para sabihin syo ang iyong violations, dito na ang cue ng role playing. lights, camera, action!
vulture 1: sir, one-way po ito.
kakamot-kamot sa ulo ang nagddrive. hihingi ng paumanhin at sasabihing hindi napansin.. nanggaling pa sa ibang lugar kase..
vulture2: pare, naitimbre ko na ha, nai radyo ko na (habang palakad-lakad sa vulture1 at sa kotse, bbuksan ang kotse, animo'y may ginagawa kuno sa loob, lalabas ulit, lalapit ng konti sa vulture1.
kukunin ni vulture1 ang lisensya ng nagmamaneho at sasabihin pumihit na para mai-guide sa tamang daan.
5. Igguide ka nila sa "tamang daan." Dadalhin ka ng mga vultures sa madilim at hindi mataong lugar. Yun ang definition nila ng "tamang daan" kung saan maari na nila isagawa ang transaksyon at maipagpatuloy ang action.
vulture1: sir, mahigpit po ang direktiba ni Mayor Lim sa mga violations dito sa Maynila. Kapag tinekitan po kayo, 2500 ho ang tubos nito , sa may Port pa po ang tubos nito, tapos isang araw na seminar..
Isang litanya ng explanations ang maririnig mo sa vulture na ito. Alam mong ayaw tanggapin ang tenga mo ung mga sinasabi nya. Pareho kayo naghhintayan ng pulis kung sino ang unang magbibigay ng offer. Hindi ninyo matuloy kung sino ba talaga sa inyo ang gumaganap na banker at contestant sa deal or no deal na script. Palakad-lakad naman ang vulture2, hindi mo maintindihan kung nawiwiwi na ba sya or patingin-tingin sa paligid sa mga posibleng makawitness ng transakyong nagaganap.
6. Kapag narinig mo na ang mga katagang.. "OK lang po ba sa inyo un sir?" Presto! THis is it! Simula na ang bidding. Syempre, alam mong hindi okey sayo ang mga legal proceedings, Php2500 sa Port mo pa kukunin (san ba ung Port na un..bwahahahah) plus one whole day na seminar considering na sa malayong probinsya ka pa manggagaling. SO may cue na ulit para simulan ang bidding.
Nagmamaneho: Sir baka pedeng maayos na lang natin to.
Ngiting aso ang mga vultures. ANg naglalaro sa isip ng mga vultures:
Vulture1: Yehoo!!! :dance: :yipee: :excited:
vulture2: Yehoo!!! :dance: :yipee: :excited: :hyper: mukhang ok na naman ang gabing ito ah. :dance: :yipee: :excited:
Magsasalita na si vulture1.
Vulture1: Sir, kapag ho tinekitan kayo..may 20% ho kami dun. So kahit 20% na lang po ung bigay nyo sa min.
Nagmamaneho: Magkano po ung 20%? (Testing lang kung magaling sa Math ung mga buwitreng ito... :ranting:)
Vulture1: 500 po.
SI vulture2, mukhang nakakaamoy ng succesful business transaction, nagrole playing na naman na may kinukuha sa loob ng mobile car, lalabas, lalakad-lakad, babalik sa kotse..lalakad-lakad..lalapit kay vulture2..deep inside ay hyper na hyper sa mga susunod na pangyayari.
Dudukot ang hinuli ng pera pambayad. Iaabot sa vulture1. SI vulture1 naman ay pasimple, patago, panakaw na kukunin ang pera.
Lights, camera, action!
Vulture1: Pakisabi ok na. Itimbre mo na.
Vulture2: Okey na.Naitimbre ko na. Nairadyo ko na.
Pero wala naman kami nakitang radyo (ung may over, over, roger) maliban sa radyong tumutugtog sa loob ng kanilang mobile car.
Papapirmahin ka pa sa isang logbook ni vulture2 para naman hindi sya lugi sa acting nya. I wonder what's with that logbook. May audit siguro sila kung ilan ung mga prey nila, para makasigurong eksakto ang dividends at hindi nila dadayaain ang isa't-isa. O baka naman paramihan sila ng mga prey ng iba pang mga vultures na nakadeploy sa iba't-ibang lugar. bwahahaha.
7. Matapos mong maisanla ang iyong dignidad sa mga buwitreng ito at tumalima sa pagmamahal sa iyong inang bayan, at kalimutan panandalian na ikaw ay isang Pilipinong nagtitiwala sa iyong kapwa, saka pa lang nila sasabihin ang daan na dadaanan mo kapag tapos na ang transaction. Pag andar ng sasakyan mo, mababasa mo sa mobile car nila ang "SERVICE TO OUR COUNTRY AND PEOPLE"
8. Dapat mo ding tandaan na kailangan tahimik lang lagi ang iyong mga kasama sa sasakyan kapag isinasagawa ang transaction. Sensitive ang mga vultures na ito, kapag nairitate sila sa atribida mong mga sakay, chances are, the higher the amount of transaction.
9. Ang boy scout ay laging handa. Mas makabubuti na maghanda palagi ng contingency fund na nakalakip sa iyong driver's license. Napag alaman ko na wala na palang appeal si Manuel Roxas sa mga Vultures, medyo nag level-up na sila at nakita nyo naman na may pa 20% pa silang nalalaman. HIndi ko alam kung totoo ba ung 2500 na un o baka na derive lang nila ung ganung littany of explanations para maging equivalent kay ninoy ang minimum ng momentarily selling of your soul. Kapag hiningi ng mga nakajacket na pulis ang iyong lisensya, number 1, ilabas ng konti ang nakatuping contingency fund sa ilalim ng lisensya. Number2, ilabas ang lisensya pero siguraduhing unang mapapansin ang contingency fund mo, para sa mas express transaction. Rush hour syempre.
10. Sumunod ka kasi sa batas.
Hindi ko naman nilalahat ang mga pulis pangkalawakan (heheh) na ganito ang pangkaraniwang pagtupad sa serbisyo. Alam kong madami pa din mga pulis ang malilinis ang budhi at gumaganap ng maayos na responsibilidad bilang tagapagtanggol ng mamamayan. AT meron din namang mga pulis na nakajaket hindi dahil para takpan ang kanilang apelyido kundi talagang giniginaw lang sila.
May kanser na ang lipunan, at hindi nakapagtataka na lalo pa itong magiging mas malala kung walang gustong magbago sa bawat isa sa atin. May bahid na ang propesyon ng pagiging tagapagtanggol ng mamamayan, at napakahirap nitong alisin sa isip ng mga taong dapat sana ay nagtitiwala sa kanila. Sa panahon nga ngayon, nakakatuwang isipin na mas madami ang nakakaramdam ng takot kapag nakakakita ng pulis, sa halip na panatag ng kalooban ang maramdaman. Ang dapat sanang tagapagtanggol ng mamamayan ay siya na mismong lumalapa sa kanila at nagtutulak sa kasamaan.
At ikaw na isang pangkaraniwang mamamayan, naka "go with the flow" na lang. If you can't beat them, join them ika nga.
share a life with me. draw with me. play with me. sing with me. read with me.
Thursday, June 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment