Wednesday, February 17, 2010

Balik Trabaho

Matapos ang dalawang araw ng pagliban sa trabaho ay balik na naman ako sa bakalan, dala ang malaking tinik sa dibdib na dulot ng pagkabagabag. **epistaxis**

Sinalubong ako ng tatlong plastik ng rosas na mula sa pinakamamahal kong mga kaibigan, aizel at arlyn. Salamat at may nakaalala sa akin noong araw ng mga puso. **epistaxis**



Sinalubong din ako ng inaasahang sanlaksang trabaho. Meron pa bang bago? **epistaxis**



Hindi ko na nakuhang makapag umagahan pa noong alas nwebe. Trabahong tapat kaagad. At nang ako ay magkaroon ng pagkakataong makapagkape man lang, ay bahagya pa nitong natapunan ang aking planner. Hmmmnn.. Choosy ang incident, namili pa ng espesyal na date.



Nakakabagot.

Mamaya kukunin ko na si sweetie sa mekaniko.
Miss na miss ko na ang kotse ko.
Lalo na ang superhero :'(

0 comments: