Tuesday, May 26, 2009

ITO ANG GUSTO KO

Ito lang ang gusto ko ngayong araw na to:

***

isang Nikon d60 na hindi ko nabili bago dumating ang araw na ito. huhuhu.
"Praktis ako ng praktis, may uniform na ko... nay..bakit???!?!?!"



Di bale, tomorrow is another day.



***
isang buong Mango Bravo ng Contis na hindi ko din mabibili kase wala na akong pera. waaaaaaaaaaaaaaaaa



***
at isang special child na sana ay nandito ngayon at nang aasar at nang iinis at nagpapaiyak pero nagpapangiti sa kin


***

pero kahit na wala ngayong araw na ito ang mga gusto ko, nagpapasalamat pa din ako sa mga mahal ko sa buhay na pilit dinudugtungan ang bawat hininga ko. wala man si nikon d60, si mango bravo at si special child, masaya pa din akong nakaabot ng dalawampu't walong taon sa kabila ng mga hirap na nararanasan ko.

salamat sa lahat ng bumati.
salamat kina kimi, berrie puff, eliwood, bentot at kanyang bagong biktima (hehehe) at kay robert langdon at camerlengo
salamat kina sir jovi, bechay, justine, jackie
salamat sa misa ng pasasalamat noong linggo sa Caleruega
salamat sa 1.75li na Fundador mula kay Daddy Franco
salamat kay doktora joy at pamilya
salamat sa ym friends
salamat sa clubT
salamat sa symbianize, tropaks, OC
salamat sa lahat
sa mga hindi ko nabanggit.. alam nyong naka reserve kayo dito sa puso ko.

tuloy tuloy lang lagi.

ngiti.

pagmamahal.

isang matamis na halik sa inyong lahat.



salamat.


0 comments: