Saturday, February 23, 2008

???

kasalanan ko ba
kung hinahanap hanap ka
sa bawat pagmulat ng mata?
at sa pagpikit
pangalan mo pa din
ang tanging sambit?

kasalanan ko ba
na malunod ako
sa atensyon na handog mo?
ang tanging nais ko lang naman
ay karamay
sa aking mga hinaing at hinagpis
at makakasalo sa mga kiliti ng buhay.

kasalanan ko bang mangulila sa iyo
kung di ka masumpungan sa bawat sandali?

0 comments: