Thursday, February 10, 2011

BANGGAAN

maingat naman ako magmaneho. pero madalas ako ang binabangga :'(



eto ang mga butihin kong kaibigan na hindi ako iniwan hanggang sa presinto ^_^

salamat pareng jay at marvin.

Napapagod na ako sa pakikipagtalo. Sa pakikipag-usap. Sa sistema. Ang pulis na ang tagal dumating tapos walang dalang kamera, walang dalang flashlight. Ang mga taong nakikiusyoso at parang husgadong nagsasabi kung sino ang tama at mali. Ang istasyon ng pulis na walang photocopier para sa rehistro ng mga sasakyan at lisensya sa pagmamaneho. Ang nakabanggang ayaw umamin sa kasalanan. Ang mga miron na matatapang. Nakakasawa na.

Ang hindi lang nagsasawa, yung nasa taas na walang sawang sinasagip ako sa gitna ng mga pangyayaring ganito. Yung pilit na nagliligtas sa kin. Yung patuloy na gumagabay sa kin. Para saan nga ba at maluluma ang lahat ng bagay, kakalawangin ang mga bakal, kukupas ang pintura, mauubos ang pera, pero hindi kailanman maiibalik ang buhay na nawala na.

Salamat sa Diyos at ligtas ako palagi :)

0 comments: