Monday, September 1, 2008

HABILIN

Lunes ng Umaga.
Silip sa yahoogroups.
OSA_SERVI_ALUMNI
Isang email na mula kay Jackie.
Isang tula na likha ni Sir Jovi.
Isang masarap na almusal
sa mga pusong pinagyayaman
ng isang matibay na samahan :)






HABILIN..
by Jovi CariƱo

Sabi ng tatay ko, maselan,
mahirap na gawain ang mag-alaga ng mangga
Unang-una, dapat mong tiyakin
na mamumulaklak ito sa tamang panahon
Pagkatapos, ang mga bulaklak ay dapat bantayan;
sikaping hindi ito mapupuksa ng mga peste,
hindi masisira ng bagyo o malakas na ulan.
Dapat itong alagaan ng gamot.
HIgit sa lahat, dapat itong paglaanan ng panahon.
Kumustahin araw-araw, kausapin kung kinakailangan.
Hanggang sa maramdaman mo na ang mangga
ay hindi lamang halaman, kundi kaibigan.
At kapag ito'y namunga, kahit na bubot pa lang
higit na sipag, higit na tyga ang dapat-
ang bubot na bunga ay wala ring ligtas sa kulisap.
Pagdating ng takdang araw,
kapag ang mangga'y husto na sa gulang,
maari na itong pitasin,
ang manibalang ay pahihinugin
ang berde ay padidilawin
ang maasim ay patatamisin.

Pero ito ang sasabihin ko sa iyo:
MAS MATAMIS SA MANGGA ANG KAHAPONG PINAGSALUHAN
MAS MASARAP NAMNAMIN ANG PAGKAKAIBIGAN.
SANA'Y PAHINUGIN. SANA'Y PATAMISIN
MAS MASELAN, MAS MAHIRAP ALAGAAN
ANG BINHI NG DUGTONG DUGTONG NATING KASAYSAYAN..

0 comments: