Monday, January 26, 2009

Bookworm

Habang naghihintay sa aking kaibigan na si Jojit noong araw ng Sabado, ako ay panandalian munang napako sa mga aklat na sa National Bookstore sa Paseo de Sta. Rosa.

Hindi ko napigilan ang aking sarili sapagkat ang aking mga ka tropa ay wari bagang ginayuma ako upang ang aking butihing credit card ay maikiskis na naman. At ako ay pandaliang napailalim sa kanilang mga gayuma sapagkat natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nagbabayad ng mga librong tunay nga namang hindi kumawala sa aking mga kamay.

Ahhh.

1. TONGUES ON FIRE. Muli ay makikibaka ako sa mundo ni Conrado De Quiros, ang aking kolumnistang idolo. Idol ka talaga pareng Conrad!


2. Langit nga naman ang aking matitikman kung ito ay aking babasahin. TIKMAN ANG LANGIT: An anthology of the Eraserheads. Wala na talaga akong magagawa. Kasalanan ko bang ako'y lubhang nahuhumaling sa Eraserheads mula noon hanggang ngaun?


3. DAVE BARRY HITS BELOW THE BELTWAY. Dagdag sa koleksyon ko ng Dave Barry, na paborito din ni pareng bob ong. **APir BOB ONG**


Mabuti pa ang aking mga libro. Minamahal ako kahit kung minsan ay nagkukulang ako.
Kung maari lamang na pakasalan ko sila, noon sana ang supling namin ay madami na.

Naisip kong magbalik loob na sa kanila.

0 comments: