Tuesday, March 25, 2008

Kinakalawang na ata ako. Mababad ba naman sa luha ang pagkatao. Sa halip na umapaw palabas ng mga mata... ano baga't sa loob dumaloy ang mga luha ko.

Ilang galon ba ng luha ang ibinuhos ko sa pagkatao ko? Minsan naisip ko, sana hinayaan ko na lng pumatak sa lupa. Hindi ko na pinigilan.

Mahirap talaga maging artista. Lalo na kung walang bayad. Ngumiti ka sa harap ng mga kaibigan mo, hindi ka nila babayaran sa pagpapanggap mo. Malay ba nila sa totoong nararamdaman mo. Humahalakhak ka naman ng todo. Ngumingiti ng halos abot hanggang tenga. Lumalamon na parang huling oras na sa mundo.

Kung pwede lang sana. Sinabi ko na noon pa.

Kapag unti-unti ng ginugupo ung katawan ko, gusto ko sumigaw ng malakas na malakas. Sige pa. Sige paaaaaaaaaaa. Hanggang sa sana...kunin mo na lng ako. Tapusin mo na ang mga paghihirap ko.

Pero naman ang mundo? Hindi ko pa nakikita ang araw sa pinakamataas na bahagi sa kalawakan. Hindi ko pa nakikita ang buwan, na lumiliwanag ng lubusan.

Kinakalawang.

Buhol-buhol na ang mga kadena ng isipan.

Bukas susubukan kong paagusin ang mga luha sa lupa.

0 comments: