Thursday, April 7, 2011

kung pwede lang sana

Gutom na gutom at pagod na pagod kami ng kaibigan ko galing sa trabaho kagabi kaya naisipan namin na dumaan muna ng KFC at kumain ng kung anumang makakain doon. Umorder ako ng fish twister samantalang naisipan nyang lantakan ang 2-piece hot and crispy chicken meal.Bago pa man sya sumubo ay naisipan nya akong alukin ng manok kahit na alam nyang hindi naman ako kumakain nito. Humiwa ng maliit na parte ng manok, tinusok ng tinidor, sabay iniabot sa kin at sinabing, "tikman mo na, kahit konti lang, para mas exciting."

Sa puntong iyon, bigla na lang ako natigilan at tulad ng pang araw-araw na panlalaban ko sa tawag ng nakaraan, pinilit kong iwaksi sa isip ko ang kung ano mang nagpupumilit umibabaw ng oras na iyon. Pero hindi ko pa rin napigilan at hinayaan ko na lang na maglakbay ako sa masasayang alaala ng nakaraan: isang order ng 2-piece chickenjoy para sa kanya at isang burger steak naman sa akin. Pipira-pirasuhin nya ung isang chicken, ilalagay sa plato ko, at minsan pa ay tutusukin ng tinidor para isubo sa akin.

Ang babaw lang ng kaligayahan ko, masaya na ako sa simpleng pagkaing pinagsasaluhan namin, hindi sa sarap ng pagkaing nakahain, kundi sa sarap ng pagsasama at pag aalaga nya sa kin. At sa tuwing maaalala ko ito, hindi ko pa din maiwasang mapangiti, na ang kasunod naman ay mga patagong hikbi.

Nakakainis na chicken. Gustong gusto ko tuloy magteleport papunta sa tabi nya.

Kung pwede lang sana.

WTF.

0 comments: