Monday, June 30, 2008

MGA BAGAY NA NATUTUNAN SA PAMATAY SA TAGAYTAY by Sir Jovi

Sa kabila ng maraming bagay na hindi nasunod sa ating mga plano,maraming salamat at kahit paano ay natuloy ang ating "Pamatay sa Tagaytay." At talaga namang "pamatay" ito, gaya ng pinatunayan ni JoeCo noong Linggo ng umaga (at mukhang kumapit pa sa balat ng mga taong
nakaamoy nito). Tulad ng dati, marami na naman tayong natutunan mulasa karanasang ito gaya ng mga sumusunod:

TAMANG PAGBABASA: upang hindi magmukhang ewan at hindi makagulo sa napagusapan, basahin ang email mula sa "naunang" dumating at hindi sa"pinakahuli"; makakatulong din ito sa pagbawas ng sakit ng ulo, pagkalito at pambabalahura

TAMANG PAGKAIN: makakabuting huwag kumain ng maraming cake habang nakikipaginuman; maliban sa ito ay isang malaking katakawan, maaari din itong magdulot ng biglaang pagbabago ng hangin sa loob at labas ng banyo na maaaring ikamatay pa ng sinomang makakaamoy nito

TAMANG PAGINOM: huwag kang lalaban ng inuman lalo pa't nangako ka na magdadala ng ginataang hipon, kesong puti at itlog (ni manong) na maalat; ang di pagdating ng itlog na maalat ay maaari ding maging sanhi ng pagbabago ng lugar kung saan magkikita at labis na pagkaantala ng pagalis; ang mga bagay na ito ay dapat maiwasan lalo pa't lahat ay atat na atat na makarating sa Tagaytay kung saan pinilit tapusin ni Jackie ang Bibliya na binabasa niya habang tayo ay hinihintay.

TAMANG PAGGALANG: huwag halayin ang isang pari lalo pa't katatapos lang magmisa; hindi dapat gamiting kasangkapan ang pagble-bless lalo pa't ang hangarin lamang ay makapisil ng kamay; bukod sa ito ay isang tanda ng kamunduhan, sintomas din ito ng kawalan ng kakayanang
magpigil sa tawag ng laman.

TAMANG PAGTANGGAP NG MANLILIGAW: huwag magpapaligaw sa cellphone kapag kasama mo ang kaibigan mo, lalo pa nga kung hiniram lamang ng manliligaw mo sa kasamahan nyang guard na naka-duty rin sa gabi ang cellphone na ginagamit nya pantawag sa iyo; bukod sa ito ay labag sa kanyang trabaho, hindi rin naman maganda na mabawasan ang kanyang kinse pesos na load upang matawagan ka lang; huwag din mahiyang tawagin siyang "manong" lalo pa kung may edad na siya; tanda lamang ito ng paggalang

Aalahanin ko pa yong ilang bagay na natutunan natin...pero sa kabila ng lahat, masaya naman ang lakad natin kahit paano...pwede na rin...

Salamat sa birthday celebrants - Joe Co, Ice, Lilay at Avel - sa pagbabahagi ng kanilang araw at pera sa atin. Happy birthday most especially kay Jen - ang saya ng pa-party niya - tingnan nyo pa yong mga photos galing kay Lois.

Salamat Jen sa pagdadala ng sasakyan, sana hindi naman masyadong naguluhan sa atin si Yancy (at sana payagan ka uli sa mga susunod pa nating lakad)

Salamat Ice sa pagaasikaso ng pagkain. Sana nasiyahan si Chelo kahit paano...(kayo na ang bahalang magdagdag dito)

Salamat Jack sa kanin at sa ating spaghetti. Parang gusto ko na nga gawing red ang favorite color ko...mabuhay ka! Huwag kang magalala, lapit na dating si Papa. Hindi ka na noon aawayin.

Salamat Lois sa banner...kahit paano ay naipapakita mo sa kumpanya na kapakipakinabang ka habang ginagawa mo ang mga bagay na walang kaugnayan sa iyong trabaho.

Higit sa lahat, salamat sa lahat ng mga taga Pala-pala.

Patuloy tayong maging masaya...mas mahalaga yon kaysa pera.

Ingat kayo lagi, :-)

0 comments: